TV5 Win a Trip Promo 2026: Manalo ng All-Expenses-Paid Trip to Vietnam Para sa Iyo at sa Iyong Kapa-trip!

Credits: TV5

Naghahanap ka ba ng sign para matuloy na ang matagal nang "drawing" na out-of-country trip ninyo ng iyong bestie o jowa? Ito na ang pagkakataong hinihintay ninyo, mga Kapatid!

Inilunsad ng TV5, sa pakikipagtulungan ng Bingo Plus at Scott’s, ang pinakabagong travel giveaway na "Tara Na Sa Saya: Win a Trip Promo." Isang mapalad na pares ang magkakaroon ng pagkakataong lumipad patungong Vietnam para sa isang all-expenses-paid 4-day trip!

Saan ang Destinasyon?

Ang mapalad na mananalo ay makakapasyal sa dalawa sa pinakasikat na tourist spots sa Vietnam:

 * Da Nang: Kilala sa mga naggagandahang beach at modernong tulay.

 * Hoi An: Ang UNESCO World Heritage site na tanyag sa mga makasaysayang street at makukulay na lantern.

Paano Sumali sa TV5 Win a Trip Promo?

Hindi mahirap sumali! Sundin lamang ang mga simpleng hakbang na ito para sa pagkakataong manalo:

 * Mag-record ng Video: Gumawa ng isang (1) minutong "kulit" video kasama ang iyong Kapa-trip (tropa, jowa, kapatid, o kapamilya).

 * I-kwento ang Inyong Story: Sa loob ng video, ipaliwanag kung bakit kayo ang "dasurv" o karapat-dapat na manalo ng libreng biyahe sa Vietnam.

 * Scan and Upload: I-scan ang QR code na makikita sa mga official posts ng TV5 o pumunta sa www.tv5.com.ph/TaraNaSaSaya para i-upload ang inyong entry.

Credits: TV5

Mahahalagang Petsa na Dapat Tandaan

Maikli lang ang pagkakataong ito kaya huwag magpatumpik-tumpik pa!

 * Promo Period: February 20, 2026 hanggang March 2, 2026.

 * DTI Permit: Per DTI-Fair Trade Permit No. FTEB-249382 Series of 2026.

Ihanda na ang inyong pinaka-creative at pinaka-makulit na video entries at baka kayo na ang susunod na hihigop ng mainit na Pho at kakagat sa masarap na Banh Mi sa Vietnam!
Para sa iba pang updates, i-follow ang TV5 sa kanilang mga social media pages sa @TV5Manila at @TV5Philippines.

No comments:

ALL-TIME MOST VIEWED TOPICS

PWEDE RIN MAGBASA DITO