Kamakailan lang ay nag-sit down ang TV5 President and CEO na si Guido Zaballero kasama ang naglalakihang cast at production teams ng dalawa sa pinakamalaking primetime serye ngayon ng network—ang A Secret in Prague at My Bespren Emman.
Sa magkahiwalay na intimate gatherings, personal na ipinaabot ng TV5 big boss ang kanyang nag-uumapaw na appreciation para sa hard work, dedication, at walang katumbas na commitment ng buong team. Ayon kay Zaballero, dahil sa teamwork ng lahat, naging tunay na "flagbearing teleseryes" ang dalawang show na talagang ipinagmamalaki ng Kapatid Network.
Siyempre, present sa star-studded appreciation dinners ang inyong mga paboritong artista! Para sa romantic-thriller na A Secret in Prague, namataan sina Enrique Gil, Andrea Brillantes, at Cedric Juan. Habang todo-ngiti naman ang cast ng family-drama na My Bespren Emman na kinabibilangan nina JM de Guzman, Shaina Magdayao, Sid Lucero, at ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.
Hindi naman nakapagtataka na bigyan sila ng special treat dahil pabalik-balik ang awards at ratings success ng mga programang ito! Kung matatandaan, linggong pinalaganap ng A Secret in Prague ang kilig at suspense matapos nitong mag-lord over at mag-number 1 sa Netflix Philippines charts. Sa kabilang banda, patuloy namang umani ng matitinding papuri ang makabuluhang kwento at mga de-kalibreng acting performances sa My Bespren Emman. Katunayan, humakot sila ng acting honors sa prestihiyosong 15th World Class Excellence Japan Awards kung saan nasungkit ni Sid Lucero ang Best Supporting Actor award at kinilala naman ang child star na si Ryrie Sophia bilang Best Child Performer.
At mukhang mas may rason pa tayong tutukan ang paborito nating gabi-gabi! May pasilip at teaser din kasi si Boss Guido para sa mga susunod na kabanata.
“We are confident na mas malawak na audience ang mag-e-enjoy sa mas exciting na plots at twists na i-o-offer ng parehong shows sa mga susunod na araw at linggo. We will announce these changes soon,” pahayag ng TV5 CEO.
Ano kaya ang mga nakakalokang twists at pasabog na pagbabagong ito? Abangan natin 'yan gabi-gabi sa TodoMax Primetime bloc ng TV5!