BEAUTY QUEEN R'BONNEY GABRIEL, MASYANG SINALUBONG NG MGA DABARKADS BILANG GUEST CO-HOST NG EAT BULAGA!

Official na winelcome ng mga Dabarkads bilang special guest host ng Eat Bulaga! si Ms. Universe Philippines 2022 R'Bonney Gabriel.


Sa kanyang pagpasok bilang guest host, nakisaya siya sa iba't ibang segment ng programa, kabilang ang "Peraphy," kung saan ipinakita niya ang kanyang galing at pakikisalamuha sa mga kalahok at kapwa host. 

Pinakita din nya ang kanyang galing sa pakikipagusap sa mga Foreignoys at tila bumagay ito sa kanya dahil nga kailangan din doon ng medyo fluent sa English.

Credits: TVJ

Ang kanyang pagpasok bilang guest host ay nagbigay ng dagdag na kasiyahan at inspirasyon sa mga manonood, lalo na sa mga kabataang Pinoy na humahanga sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng pagandahan at fashion.

Kung ggradean naman si R'Bonney base sa ilang days niyang pagiging guest host so far from scale of 1 to 10 ay binigyan ko sya ng 7/10 dahil sa galing nya makipagusap sa mga Foreignoy, pero syempre kelangan pa rin nya ng konting improvement lalo na pagdating sa iba pang mga segments para makuha din nya ang loob ng mga manonood.



Samantala, naging Semi-Regular muna si Atasha Muhlach sa EB upang makapag-focus naman sya sa iba pa nyang mga projects sa labas ng noontime show! Ilang araw pa lang sya nawawala sa show pero ang dami nang naghahanap sa kanya.

Busy kasi sya lalo na ngayon at ilalaunch na ang kanyang single na "Handa na Ako", na naibalita na rin natin dito noong nakaraang araw.

BAGONG SINGLE NI ATASHA MUHLACH, KAABANG ABANG

Handang handa na ang buong bayan sa nakatakdang official launching ng pinakabagong single at music video ni Atasha Muhlach na "Handa Na Ako." 


May official teaser na nga na naiupload sa Official Youtube Channel ni Tash noong Pebrero 27, 2025, alas-7 ng gabi.

Sa maikling video, ipinakita ang isang malabroadway na eksena, na nagbibigay ng idea sa mga manonood at Dabarkads kung anong klaseng tema ng magiging music video nito. 

Ang buong music video ay nakatakdang ilabas sa sumunod na araw, February 28, 2025, kaya't abangan ito sa kanyang channel.

Ang producer ng kanyang single ay walang iba kundi Vicor Music Corporation.

Samantala, available na rin ang "Handa Na Ako" sa iba't ibang digital streaming platforms, available na rin ang official lyric video ng kanta. 

MVP AT WILLIE REVILLAME, SANIB PWERSA PARA ISANG DREAM BUILDING PROJECT PARA SA TV5

Noong Pebrero 10, 2025, pumirma ng kasunduan ang MediaQuest Holdings, Inc., ang TV host na si Willie Revillame, at ang Golden Pacific Holdings, Inc. para sa pagtatayo ng isang bagong sampung-palapag na multi-purpose building sa Mandaluyong City. Ang proyektong ito, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P4 bilyon, ay itatayo sa tabi ng kasalukuyang TV5 Media Center. 

Ang bagong gusali ay magtatampok ng mga makabagong studio, modernong opisina, at mga pasilidad tulad ng volleyball at basketball courts. Ayon kay Manuel V. Pangilinan, Chairman ng MVP Group of Companies, ang gusali ay pangunahing ilalaan para sa programang "Wil to Win" ni Willie Revillame, ngunit maaari rin itong gamitin para sa iba pang palabas ng TV5 kapag hindi ginagamit. 

Sa kasalukuyan, ang "Wil to Win" ay ginagawa sa studio ng TV5 sa Novaliches, Quezon City. Sa pagkumpleto ng unang bahagi ng bagong gusali bago matapos ang taon, ililipat ang produksyon ng programa sa Mandaluyong. Plano rin ng MediaQuest na ibenta ang isang ektaryang property sa Novaliches, at ang bahagi ng kikitain mula rito ay gagamitin sa pagpapatayo ng bagong pasilidad. 

Ang proyektong ito ay inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng operasyon ng MediaQuest at magbibigay ng mas modernong pasilidad para sa kanilang mga programa, na magdudulot ng kasiyahan sa mga Pilipino sa mga susunod na dekada. 

Sa karagdagang ulat, magkakaroon ng dalawang phase umano ang proyektong ito. Ayon panayam ng Philippine Star kay Cignal TV President and CEO Ms. Jane Bases, ang unang phase ng pagdedevelop ng building ay ang mismo pagtatayo ng Studio W kung saan ay magiging bagong tahanan ng programang Wil To Win sa Mandaluyong. Nakita kasi ng management na napakalayo at hindi ganun kadaling makarating sa Novaliches studios dahil sa layo at sa traffic. Target umanong matapos ito sa pagtatapos ng 2025.

“Studio W is obviously going to be a new home of the Wil To Win show. So we’re going to uproot them from Novaliches when this is done and bring the show here. And that’s the phase one. That’s our priority,” Basas said.

Dagdag pa rito, ang phase two naman ng proyekto ay ang pagtatayo ng MVP Quest Building, isang 10-storey state-of-the-art building na magsisilbing bagong tahanan ng Eat Bulaga na kung tawagin ay Studio EAT, at ang Studio Q na magiging permanenteng tahanan naman ng iba pang mga kasalukuyan at upcoming Kapatid shows. 

“There’s going to be a phase two where we’re building a 10-story building which will now house studio EAT, the new home of Eat Bulaga and Studio Q, which is the new home of the new other shows that MediaQuest will be doing between now and the future.”

The 10-story building will be called the MVP Quest Building.

Inihayag din ni Basas na kasama sa plano ang pagbebenta ng kanilang property sa Novaliches kung saan nakatayo ang TV5 Studio Complex na may isang hektarya ang lawak. Matatandaang ito ang naging unang tahanan ng Singko for 33 years now. Itinayo ito noong nakabalik ang network sa ere noong February 1992. Ito ay para makakalap ng karagdagang pondo para sa pagpapatayo ng naturang dream project.

“So part of the funds that we will use to build will be coming from the proceeds of the sale of Novaliches.”

ALL-TIME MOST VIEWED TOPICS

PWEDE RIN MAGBASA DITO