Mga Paboritong Programa ng TV5, Magbabalik-Telebisyon sa "Weekend Trip" Lineup!


Handa na ba kayong mag-trip down memory lane? Para sa mga Kapatid nating nakamiss sa de-kalidad na comedy at horror-adventure, muling ibinabalik ng TV5 ang mga paborito ninyong programa sa ilalim ng "Weekend Trip" block simula ngayong March 7.

Muling nagbabalik ang mga kwentong nagpatawa at nagpatakot sa atin noon na siguradong magugustuhan din ng bagong henerasyon ng mga manonood.

Ang Inyong Saturday Night "Double Header"

Credits: TV5

Magsisimula ang Sabado ng gabi sa pagbabalik nina John Estrada at Ellen Adarna sa "John en Ellen" sa ganap na 10:30 PM. Balikan ang nakakaaliw na dinamika ng kanilang pamilya na puno ng hirit at kulitan.
Agad naman itong susundan ng "Jack and Jill sa Diamond Hills" sa ganap na 11:30 PM. Muling panoorin ang mga nakakatawang mission nina Jack at Jill bilang mga pulis na laging nauuwi sa riot na katatawanan.

Sunday Night Chill at Kilabot

Credits: TV5

Para naman sa inyong Linggo, hindi mawawala ang paboritong barkada ng "#ParangNormalActivity" sa ganap na 11:30 PM. Ito ang pagkakataon na muling mapanood ang mga adventures nina Ella, Charlie, Third, at Red sa kanilang pag-solve ng mga paranormal mysteries na may halong millennial humor.

Bakit sarap ulit-ulitin?

Sa gitna ng mga bagong shows, iba pa rin ang hatid na saya ng mga subok na at "classic" programs ng TV5. Ang mga reruns na ito ay handog ng network para sa mga pamilyang gustong mag-relax at mag-bonding gamit ang mga programang "sureball" na sa entertainment value.

Huwag kalimutang tutok na muli sa TV5 ngayong March 7 at 8!

No comments:

ALL-TIME MOST VIEWED TOPICS

PWEDE RIN MAGBASA DITO