THEME SONG NG "THE KINGDOM" INILAPAG NA. ZEPHANIE, SUPRESANG BOSES SA LIKOD NG THEME SONG. KINAGULAT NG MGA MANONOOD.

Opisyal nang inilabas ang theme song ng MMFF epic film na "The Kingdom", at agad itong naging usap-usapan matapos ireveal na si Zephanie ang boses sa likod ng theme song. Ito ay ikinagulat ng mga manonood ng Eat Bulaga lalo na’t hindi inaasahan ng mga tagahanga na ang “This Generation’s Pop Princess” na kilala ring Sparkle Artist ng GMA 7 ang magbibigay-buhay sa napakalaking proyekto.


Credits: MQuest Ventures

Ang theme song, na puno ng emosyon, drama, at lalim, ay tumutugma sa epic na tema ng pelikula. Sa unang beses na narinig ang kanta, marami ang namangha sa husay ni Zephanie sa paghatid ng damdaming sumasalamin sa kuwento ng "The Kingdom"—isang kwento ng tapang, sakripisyo, at tagumpay. Ang awiting may title na "Magkabilaan" ay original composition ni Joey Ayala at Ralph Dela Fuenta.

Credits: Eat Bulaga TVJ

Hindi maitago ng mga viewers ang kanilang reaksyon, lalo na’t nakitaan si Zephanie ng mas mature na musicality. Ang kanyang boses ay nagbigay ng kakaibang dimension sa kanta, na nag-iwan ng malalim na impression sa mga nakapakinig nito. Ang ilan ay nagsabing hindi lang ito basta isang theme song, kundi isang obra na tatatak sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Sa mga tagahanga ni Zephanie, ito ay isang patunay na siya ay hindi lamang isang mahusay na mang-aawit kundi isang artistang kayang magdala ng malaking proyekto. Habang papalapit ang pagpapalabas ng "The Kingdom", lalo pang tumitindi ang excitement ng publiko, at ang theme song ay naging sentro ng hype para sa inaabangang epic film ng MMFF.

No comments:

ALL-TIME MOST VIEWED TOPICS

PWEDE RIN MAGBASA DITO