Left to Right: Former Tahanang Pinakamasaya Hosts Chariz Solomon, Buboy Villar and Dasuri Choi, TAPE Inc owners Romeo Jalosjos Jr., and Seth "Bullet" Jalosjos
Ang Rebelasyon sa 'Your Honor' Podcast
Naganap ang pagbubunyag sa episode noong January 10, 2026, ng podcast na Your Honor sa YouLOL, ang YouTube comedy channel ng GMA Network. Kasama ni Chariz ang kanyang co-host na si Buboy Villar at ang guest na si Dasuri Choi, na pare-parehong naging bahagi ng nasabing programa.
Sa gitna ng usapan, diretsahang tinanong ni Chariz si Dasuri: "Di ba, magkasama tayo sa Tahanang Pinakamasaya noon? Hindi ba, hindi pa tayo bayad. Huy, 2026 na TAPE! Baka naman!".
'Hindi Na Ako Mabait'
Ayon kay Chariz, dalawang taon na niyang pilit na sinisingil ang kumpanya para sa kanyang pinagpaguran, ngunit wala pa ring nangyayaring aksyon mula sa pamunuan ng TAPE Inc. Dahil dito, nagpasiya ang aktres na baguhin ang kanyang approach ngayong Bagong Taon.
"Hindi na ako mabait. Yan ang New Year's resolution ko. Gagawan na natin ito ng solution," saad ni Chariz, na sinang-ayunan naman ni Buboy Villar. Mahalaga para sa mga hosts na makuha ang kanilang overdue talent fees lalo na’t may mga pamilya at anak silang binubuhay.
Halos Dalawang Taon ng Paghihintay
Matatandaang nagpaalam sa ere ang Tahanang Pinakamasaya noong Marso 2, 2024, matapos ang desisyon ng Marikina Regional Trial Court noong Disyembre 2023 na ang "TVJ" (Tito, Vic, at Joey) ang may karapatan sa titulong Eat Bulaga!.
Mula nang magsara ang programa, marami sa mga naging host nito—kabilang sina Paolo Contis, Isko Moreno, Legaspi twins, Buboy, Dasuri, at Chariz—ang naiwan umanong hindi bayad ang mga talent fee.
Umaasa Pa Rin sa Kabila ng Lahat
Bagama't tila nawawalan na ng pag-asa, nananatiling positibo sina Dasuri na mareresolba ang isyu ngayong 2026. Kwento ni Dasuri, imbes na "Kumusta ka?" ang maging bati nila sa isa't isa, ang madalas na tanong ay "Kailan? Nabayaran ka na?".
Sa kabila ng atraso, binigyang-diin ng mga host na naging maayos ang kanilang pakikitungo sa mga producer noon, kaya naman umaasa silang tutupad ang TAPE Inc. sa obligasyon nito sa mga empleyadong nagbigay ng saya sa mga manonood.
.jpg)
No comments:
Post a Comment