Abangan ang isang kapana-panabik at madamdaming episode sa hit series na My Bespren Emman dahil dalawa sa mga pinakaminahalagang mukha ng katanghaliang tapat ang maghahatid ng dagdag na kulay sa kwento!
Kinumpirma na magkakaroon ng natatanging pagganap ang dalawang bunso ng Eat Bulaga na sina Rouelle Cariño at Amber Torres sa programa.
Sa eksenang ipinasilip sa inilabas na pasilip, makikita ang magkuya sa loob ng isang simbahan kasama ang iba pang mga karakter at choir members. Kapansin-pansin ang seryoso at tila emosyonal na tagpo sa pagitan ng karakter ni Rouelle at ng isang kasama, habang ang kapwa niya bunso ng barangay na si Amber naman ay makikitang nakahanay sa mga bata sa likod.
Credits: TV5 / Spring Films
Bagamat hindi pa idinedetalye ng produksyon ang buong takbo ng kanilang magiging papel, marami na sa mga Dabarkads at tagasubaybay ang nasasabik na makita ang pagganap ng dalawa. Kilala ang My Bespren Emman sa mga kwentong kapupulutan ng aral tungkol sa pamilya, pananampalataya, at pagkakaibigan, kaya tiyak na may mahalagang kontribusyon ang magkuya sa darating na mga eksena.
Huwag palampasin ang kanilang natatanging pagganap at abangan kung paano magkakakonekta ang mga paborito nating bunso sa mundo nina Mateo at Ruth!
Tumutok sa My Bespren Emman Weekdays pagkatapos ng A Secret In Prague sa Todo Max Primetime ng TV5, simulcast din sa One PH Channel 1 at sa Kapatid Channel sa Cignal.
No comments:
Post a Comment