Narito ang ilan sa mga naglalabasang komento at sentimiyento sa social media:
💼 "Paano na ang Trabaho at Negosyo Ko?"
Maraming manggagawa at freelancer ang naalarma dahil hindi lamang laro ang nakasalalay sa mga platform na ito kundi pati ang kanilang kabuhayan.
Ayon kay netizen Joey Joseph Gabrillo Villafuerte:
"I know companies who are using Discord as their main communication platform within the company.. Akala ko joke lang na banned potek, kabobohan na yan."
Sang-ayon din dito ang content creator at gaming personality na si Dino "Dinocornel" Roman, na hayagang nagpahayag ng kanyang panig:
"Paano yung mga businesses, freelancers, creators, remote workers na umaasa at gumagamit ng Discord? Ang dali kasing mag-ban kapag hindi ikaw yung maaapektuhan."
🧠 "Mga Boomer Kasi, Hindi Alam ang Ginagawa"
Karamihan sa mga netizens ay sinisi ang kakulangan sa kaalaman ng mga nakaupo pagdating sa modernong teknolohiya. May mga nagbiro pa na tila "panahong Kastila" o "martial law" ang gustong ibalik ng ilang opisyal:
Wiji Rmrz: "Mga boomers kasi mga yun eh, kung ano kasi maiisip nila, yun na ang alam nilang tama at solusyon."
Glade Charles: "Hahaha mga cybersecurity kuno na di naman marurunong! " kasama ang pa-meme na umiiyak na bata.
Arra: "Hihigpit, tapos nauuto lang ng malaking touch screen kuno. Di man lang nagtaka nung nagalaw ang mouse."
🎮 "Pati ba naman Gamers, Gagalitin Pa Niyo?"
Hindi rin palalagpasin ng gaming community ang isyung ito, lalo na't ang Discord ang pangunahing tambayan at komunikasyon ng mga manlalaro at eskuwelahan para sa mga extracurricular activities:
Al Jemquel Domasig Sulapas: "Kinakalaban nila mga gamers! Baka praktisado ng zombie games at cod tapos coc para planning tapos ML!"
Marson Del Romo: "Pati gamers ginalit na nila!"
🧐 Ang Huling Hirit ng Madla: diversion tactic ba ito?
Sa gitna ng seryosong usapan tungkol sa data privacy, child safety, at mga kamakailang insidente sa mga paaralan, may hinala rin ang ilan na baka ginagamit lamang na panakaw-pansin o distraksyon ang isyung ito:
Leonez Galvez Nedz: "Nagiging distraction ung mga shooting incident, na ididikit sa mga online platforms.. para kalimutan ung mga main issue."
📌 Anong masasabi mo sa mainit na isyung ito? Apektado ba ang iyong trabaho o tambayan online sakaling ituloy ang mga restriksyong ito?
No comments:
Post a Comment