Ang Mutya ng Section E lead stars Ashtine Olviga at Andres Muhlach (Colllectively known as Ashdres loveteam)
Matapos ang matagumpay na paglipad ng unang season sa free TV, hindi na mapigilan ang pananabik ng mga "Section E Nation" dahil kumpirmado na ang pagbabalik ng paborito ninyong Wattpad-turned-TV series: Ang Mutya ng Section E: The Dark Side ay mapapanood na sa TV5 ngayong 2026. Ito ay ayon sa pinakabagong teaser video na inilabas ng Kapatid Network na may title "Todo-Todo Tayo Kapatid!" kung saan magiging 100% Pure Kapatid Shows na ang mapapanood sa Singko.
Ang anunsyong ito ay nagdulot ng ingay sa social media, lalo na para sa mga tapat na tagasuporta ng tambalang AshDres nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach.
Ang Pagbabalik nina Jay-Jay at Keifer
Sa ikalawang yugtong ito na hango sa tanyag na serye ni Lara Flores (Eatmore2behappy), asahan ang mas matitinding rebelasyon at mas malalim na emosyon. Kung sa Season 1 ay nakilala natin si Jay-Jay bilang ang tanging babae sa magulong Section E, sa The Dark Side, mas lalo nating uunawain ang nakaraan ni Keifer Watson at ang mga sikretong bumabalot sa kanilang paaralan.
Hiling ng Fans: Mas Maagang Timeslot
Kasabay ng kumpirmasyon ng airing sa TV5, naging maingay din ang panawagan ng AshDres fans. Sa iba't ibang online groups at fan pages, iisa ang hiling ng mga manonood: ang ilagay ang serye sa mas maagang timeslot.
Ayon sa mga fans, ang "kilig-rollercoaster" at "bardagulan" nina Jay-Jay at Keifer ay mas masarap panoorin kasama ang buong pamilya habang naghahapunan.
Matatandaang naging top-trending ang Season 1 sa digital platforms, at ngayong 2026, target ng TV5 na mas palawakin pa ang naaabot ng naturang show.
Ano ang Dapat Abangan sa Season 2?
Narito ang ilang bagay na dapat mong i-handa sa pagdating ng Book 2:
* New Cast Members: May mga bagong karakter na papasok na magpapagulo sa relasyon nina Jay-Jay at Keifer.
* Darker Plot: Gaya ng pamagat nito, mas tatalakayin dito ang mga "dark secrets" na hindi naipakita sa unang season.
* Level Up Kilig: Bagama't mas seryoso ang tema, hindi mawawala ang signature "kilig" moments na nagpa-ibig sa atin sa AshDres.
Manatiling nakatutok dito sa aming blog para sa opisyal na petsa ng premiere at ang pinal na program schedule mula sa TV5!
No comments:
Post a Comment