Patuloy na nagpapaiyak at nangingibabaw sa social media ang historical-romance masterpiece ni Binibining Mia na "I Love You Since 1892." Matapos i-upload ang ilang highlights at episodes sa YouTube, mabilis itong pinagkaguluhan ng mga netizens na tila hindi pa rin maka-move on sa kwento nina Carmela at Juanito.
Bakit Trending ang I Love You Since 1892?
Sa mga screenshot na kumakalat online, makikita ang dami ng positibong komento mula sa mga viewers. Ayon sa isang netizen, "Emotional" daw ang bawat eksena, lalo na ang mga tagpong nagpapakita ng wagas na pag-ibig sa gitna ng malupit na kasaysayan.
Pinuri rin ng mga manonood ang produksyon ng Studio Viva. Isang komento mula kay @jlloydgaming_123 ang nagsabing, "The scenery lift the movie up!!!" na nagpapatunay na hindi tinipid ang visual effects at cinematography upang maipakita ang ganda ng Pilipinas noong taong 1892.
Ang Cast na Nagbigay-Buhay sa Nobela
Bagama't nagkaroon ng usap-usapan noon sa casting, napatunayan nina Heaven Peralejo (bilang Carmela/Carmelita) at Jerome Ponce (bilang Juanito Alfonso) na deserve nila ang mga role. Ang kanilang chemistry ay nagbigay ng bagong kulay sa karakter na minahal ng milyun-milyong readers sa Wattpad.
Kasama rin sa serye si Joseph Marco bilang ang mapusok na si Leandro, na lalong nagdagdag ng tensyon at emosyon sa bawat kabanata.
Request para sa English at Spanish Translation
Dahil sa ganda ng kwento, hindi lang mga Pinoy ang nahuhumaling dito. Maraming foreign fans ang humihiling ng translation o subtitles upang mas maunawaan ang lalim ng bawat linya. "Sana may translation," hiling ng isang YouTube user, na nagpapakita ng potensyal ng serye na maging global hit.
No comments:
Post a Comment