Matapos ang mahigit dalawang dekada bilang isa sa mga pinakamakinang na bituin ng GMA Network, ang award-winning singer at actress na si Rita Daniela ay pormal nang bahagi ng Viva Artists Agency (VAA).
Sa isang opisyal na announcement mula sa Viva, masayang tinanggap ang aktres sa kanilang lumalaking pamilya. Isang live press conference ang nakatakdang ganapin ngayong February 25, alas-3 ng hapon, na mapapanood nang live sa official Facebook page ng Viva Artists Agency.
Mula 'Pop Star Kids' Patungong 'Viva'
Hindi maikakaila ang naging kontribusyon ni Rita sa Kapuso Network. Nagsimula siya noong 2005 matapos manalo sa kauna-unahang Pop Star Kids. Simula noon, hinubog niya ang kanyang pangalan sa pag-arte, lalo na sa kanyang iconic role bilang "Aubrey" sa hit series na My Special Tatay.
Ngunit gaya ng ibang mga batikang artista, tila panahon na para sa isang bagong "chapter" sa buhay ni Rita. Bilang ating pinakabagong Ka-Vivarkada, inaasahang mas mapapalawak pa ang kanyang karera sa musika at pelikula—dalawang larangan na reyna ang Viva.
Maraming fans ang nagtatanong kung bakit nagdesisyon si Rita na iwan ang Sparkle GMA Artist Center pagkatapos ng 21 taon. Bagama’t walang pormal na pahayag ng alitan, marami ang nakapansin sa tila pananamlay ng kanyang mga proyekto sa telebisyon nitong mga nakaraang buwan.
Bukod dito, naging matagumpay ang kanyang pagganap sa pelikulang Madawag ang Landas Patungong Pag-Asa kung saan nanalo siyang Best Actress sa Sinag Maynila 2025. Ang tagumpay na ito sa indie film scene ay maaaring isa sa mga nagtulak sa kanya na subukan ang mas malalaking roles sa ilalim ng Viva Films.
Ano ang Aasahan sa 'Viva Era' ni Rita?
Dahil kilala ang Viva sa paggawa ng mga quality music albums at blockbuster movies, inaasahan ng mga "RitSters" ang mga sumusunod:
* New Album/Singles: Dahil sa kanyang soulful voice, perfect si Rita para sa mga bagong OST at albums sa ilalim ng Viva Records.
* Movie Projects: Posibleng makatambal niya ang mga paborito nating leading men sa Viva Films.
* Fresh Image: Isang mas palaban at mas "versatile" na Rita Daniela ang nakatakdang i-brand ng VAA.
Matatandaang nakapag-guest at nakapaglaro sya sa Eat Bulaga! sa TV5 nitong nakaraang Lunes, February 23 para sa Gimme5: Laro ng mga Henyo Lovers kasama ang kanyang nobyo.
Huwag kalimutang tutukan ang kanyang Live Presscon ngayong February 25, 3 PM para marinig mismo kay Rita ang kanyang dahilan sa paglipat at ang kanyang mga plano bilang certified Ka-Vivarkada.
No comments:
Post a Comment