Patuloy na pinag-uusapan sa social media ang isang viral post mula sa isang residente ng Brgy. San Vicente, San Pedro, Laguna matapos ang naging pagbisita ng programang "Eat Bulaga" para sa kanilang segment na "Sugod Bahay Mga Kapatid."
Nitong nakaraang Huwebes, March 5, 2026, isang ginang mula sa nasabing barangay ang naglabas ng kanyang saloobin sa Facebook. Ayon sa kanya, tila nawalan na ng respeto ang ilang mga kapitbahay matapos umanong gawan ng hindi kanais-nais na aksyon ang "Eat Bulaga" host na si Wally Bayola.
Sa kanyang post, diretsahan niyang binatikos ang mga sangkot na residente:
"Grabe ginawa niyo sa mga host... Binastos at physical pa ginawa kay Wally. Wala na talagang respeto... Bullying ginawa nyo at physical."
Nang tanungin ng mga netizens sa comment section kung ano ang eksaktong nangyari, idinetalye ng ginang ang insidente. Ayon sa kanya, binatukan umano si Wally Bayola at inasar pa ng mga salitang, "Wally, Wally, Bold, Bold!" bilang pagtukoy sa nakaraang kontrobersya ng komedyante.
Aniya, nakakasira ng imahe ng kanilang lugar ang ganitong pag-uugali, lalo na't bihira lamang silang mabisita ng ganitong kalaking programa.
Wala Pang Opisyal na Pahayag
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang pamunuan ng "Eat Bulaga" o si Wally Bayola mismo tungkol sa kumakalat na balita. May ilang netizens naman ang nagsasabing baka bahagi lamang ito ng biruan sa set, ngunit marami ang naninindigan na sumobra ang mga residente sa pagiging "physical" at kawalan ng galang.
No comments:
Post a Comment