EAT BULAGA: Special Edition ng 'Heart2Heart' Para kay Ryzza Mae Dizon, Napurnada! Mga Dabarkads, "Nadismaya"


Mukhang hindi naging kasing-tamis ng Valentine’s Day ang naging pagtatapos ng episode ng Eat Bulaga ngayong Sabado, February 14, 2026.
 
Sa gitna ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, isang inaasahang segment ang tila "nabitin" at hindi natuloy nang ayon sa plano—ang special edition ng Heart2Heart para sa "Aling Maliit" na si Ryzza Mae Dizon.

Anyare? Ryzza Mae Edition, Hindi Umabot sa Oras!

Sa naging livestream ng Eat Bulaga sa YouTube at Facebook, mabilis na napuno ng komento ang chat box nang mapagtanto ng mga viewers na hindi na sapat ang oras para sa segment ni Ryzza.

Maraming Dabarkads ang nag-abang sa pakikipag-kulitan at posibleng "kilig" moments ni Ryzza sa Heart2Heart, ngunit dahil sa haba ng mga naunang portion—partikular na ang Bulagaan at ang naging Age Reveal sa isang segment—ay kinapos na sa airtime ang programa.
Reaksyon ng mga Dabarkads: "Bitin!" at "Sayang!"

Hindi naitago ng mga loyal supporters ng TVJ at ng Legit Dabarkads ang kanilang "pagkadismaya" sa social media. Narito ang ilan sa mga sentimyento ng netizens:

 * "Sayang heart to heart ni Ryzza. Too long kasi yong age reveal. Di ba pwedeng paikliin yong portion na yon?" ani Myrna Caranto sa YouTube.

 * "Bitin yung Heart2Heart, nadismaya tuloy si Wally at Paolo ❤️😢... wag niyo na dismayahin si Ryzza, Wally, at Paolo please," dagdag ni PrinceTV-Topic.

 * "Dapat hindi na nag-Bulagaan para kasya sa oras... hinihintay ko pa naman 'yun," himutok naman ni @nxclefrnco.

Kahit ang ilang Facebook pages gaya ng LM Entertainment ay nag-post din ng kanilang saloobin, na nagsasabing dapat "bumawi" ang TVJ kay Ryzza sa susunod na linggo.

Dahil Sabado ngayon, kailangan na talagang mag-sign off ng programa para magbigay-daan sa susunod na shows ng TV5. Ang hiling ng nakakarami: Gawing prayoridad ang segment ni Ryzza sa Lunes o sa susunod na Sabado.

Sa kabila ng aberya sa oras, nananatiling mataas ang viewership ng Eat Bulaga, na pumalo sa mahigit 150,000 combined live viewers sa iba't ibang platforms ngayong Valentine's Day. Patunay lamang ito na kahit may "technicalities" sa programming, ang pagmamahal ng mga Dabarkads ay hindi natitibag.
Abangan natin sa Lunes kung paano babawi ang Eat Bulaga para sa ating biniting Heart2Heart!

Puno ng Sorpresa: Coca-Cola comeback, RPN-9 Reunion, at Higit Pa!

​Sa kabila ng pagkabitin sa Heart2Heart, naging hitik naman sa sorpresa ang buong linggo ng Valentine celebration:

Credits: TVJ

  • Pagbabalik ng Coca-Cola: Damang-dama na ang "refreshing" energy sa studio sa muling pagbabalik ng Coca-Cola bilang major sponsor ng Eat Bulaga!
Credits: TVJ

Riot ang tawanan sa Sugod Bahay mga Kapatid

Isang mapalad na ginang ang naambunan ng cash prize na ₱40,000 mula sa programa plus additional ₱5,000 mula sa Yakult kasama ang iba pang mga regalo kagaya ng brand new appliances mula sa Hanabishi. Tila maligalig ang napiling sugod bahay winner at walang kyeme na pinakain ang Jowapao ng kanyang specialty na Pork Steak. Di naman mapigilan ng mga Dabarkads sa Team Bahay at Team Studio na sumakit tyan sa katatawa dahil sa kanyang walang tigil na pagsasalita on cam kahit binibiro na ni Jose Manalo tungkol sa kanyang lutuin. Later nalaman nilang dahil sa kanyang pagsisikap sa kanyang karinderya ay napaaral nya ang kanyang mga anak at meron pa syang kapatid na may karamdaman. Nagpasalamat naman sya sa Programa lalo kay Bossing sa tulong na kanyang natanggap.

RPN-9 Reunion:

Isang nostalgic moment ang naganap sa pagitan nina Bossing Vic Sotto at Isko Salvador (kilala bilang Brod Pete). Ang kanilang muling pagkikita ay nagpaalala sa mga batang 80s at 90s ng kanilang pinagsamahan noong panahon ng RPN-9 era.


Footage Credits: RPTV

Celebrity Couples sa Gimme5:


Hindi rin nagpaawat ang mga celebrity couples na sumalang sa pautakan sa Gimme 5: Laro ng mga Henyo Lovers. Kabilang sa mga naging guests ngayong buwan ang dating beauty queen na si Janine Tugonon at kanyang fiancee na si Maxime, Pinay athlete na si Katrina Llegado at James Reinald Dizon at si Jervi "Kaladkaren" Wrightson at kanyang asawang si Luke. Silang tatlong pares ay nagpakitang-gilas sa pagsagot pero ang team nila Janine at Maxime ang nag-uwi ng tumatagingting na ₱50,000 cash prize.

Bulagaan University 2026:

Naging super saya rin ng Bulagaan University portion. Isang masayang "throwback" ang naganap nang kantahin ni Bossing Vic ang theme song ng Enteng Kabisote, na nag-iwan ng tanong sa marami: Posible kayang bumalik ang maalamat na karakter sa big screen soon? Sa huli, sina Bossing pa rin nakatanggap ng bagsak na grade, hehe! Si Atasha Muhlach naman ay nakatanggap nanaman ng appliances at 100% na grade! Nakakarami ka na Tash ah!

Live Singing Sessions (LSS):

Hindi rin mawawala ang pinakabagong musical segment ng programa kung saan tampok naman this Saturday sina Foreinoy Hyeonyul Kim at SQ Eunice na naghandog ng mga awitin para sa Team Studio at Team Bahay. Kabilang dito ang live performance ng kanilang bagong single na "Baka Sakali".

No comments:

ALL-TIME MOST VIEWED TOPICS

PWEDE RIN MAGBASA DITO