Ayon sa mga kinatawan ng TV5, nananatiling hepe at kapitan ng Star Worx—ang talent management arm ng network—si Mr. M. Nilinaw din nila na hindi totoo ang mga ulat na tinanggal siya dahil sa isyu ng talent fee.
Paliwanag ng management, nagkaroon lamang ng pansamantalang pagbabago sa direksyon ng programa. Si Mr. M ay abala sa mga workshop para sa "Star Worx Block 1" artists bilang paghahanda sa kanilang mga magiging role sa mga susunod na programa ng TV5. Nakita rin siyang nakipag-taping kasama ang aktres na si Shaina Magdayao para sa My Bespren Emman.
Bukod pa rito, mariin ding pinabulaanan ng TV5 ang mga kumakalat na balita tungkol sa umano’y partnership sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN. Tinawag ng mga source ang paggamit sa pangalan ng TV5 at ni Mr. M bilang isang "publicity stunt" para sa ibang programa.
No comments:
Post a Comment