Tutok ka rin ba gabi-gabi sa suspense at drama ng hit primetime series ng TV5 na 'A Secret in Prague'? Ngayong patuloy ang mga pasabog at misteryo sa buhay nina Chiara at Mikoy, isang bagong karakter ang siguradong magpapadagdag ng intriga at saya!
Kilalanin si Dylan Menor bilang ang energetic at misteryosong vlogger na si Rahmboy Corales.
Ayon sa opisina na character reveal, si Rahmboy ay ang "Vlogger na nakilala at naging kaibigan nina Chiara at Mikoy sa Albay." Sa unang tingin, mukha siyang masayahing travel vlogger na magbibigay ng magaan na vibing sa magkaibigan.
Pero dahil ito ay 'A Secret in Prague,' walang karakter ang basta-basta lang! Nag-iwan ng palaisipan ang palabas: "May tinatago rin kaya siyang sikreto?"
Sa mundong puno ng lihim at pagpapanggap, bakit kaya talaga nakipagkaibigan si Rahmboy sa dalawa? Nakatutulong kaya ang kanyang mga vlog para mabunyag ang katotohanan, o may sarili siyang agenda na pilit itinatago?
Ika nga nila, huwag basta magtiwala! Siguradong magdadala ng panibagong excitement ang pagganap ni Dylan Menor bilang Rahmboy.
Huwag palampasin ang 'A Secret in Prague,' Lunes hanggang Biyernes, 9:30 PM sa TV5 TodoMax Primetime!
No comments:
Post a Comment