Kinilala ng Trinity University of Asia (TUA) ang dedikasyon at talento ng mga programa at personalidad ng TV5 sa ginanap na awarding ceremony kamakailan. Ang Platinum Stallion Awards ay kilala bilang isa sa mga pinaka-reputableng parangal sa bansa dahil ang mga nananalo ay pinipili sa pamamagitan ng university-wide survey mula sa mga estudyante, guro, at komunidad ng TUA.
Hindi matatawaran ang saya ng mga Kapatid stars na rumampa sa entablado upang tanggapin ang kanilang mga tropeo. Narito ang listahan ng mga nagwagi:
Credits: TV5
* Sing Galing (Best Game Show): Ang paboritong videoke-kantawanan ng bayan ay tinanghal na pinakamahusay na game show sa bansa.
* K Brosas (Best Variety Show Host): Dahil sa kanyang walang-humpay na energy at galing sa pagpatawa sa Sing Galing, nakuha ni K Brosas ang titulong Best Variety Show Host.
* Gud Morning Kapatid (Citation for Best Broadcasting Talk Show): Kinilala ang programang ito dahil sa kanilang makabuluhang paghahatid ng balita at impormasyon tuwing umaga.
* One Sports (Best TV Sports Channel of the Year): Patuloy ang dominasyon ng TV5 sa larangan ng sports broadcasting.
* Michael Ver Comaling (Celebrity Sports Influencer of the Year): Isang inspirasyon para sa kabataan pagdating sa disiplina at pagmamahal sa palakasan.
* Angelo Diego K. Castro III: Ginawaran bilang Trinitian Media Educator for Broadcast Media, isang pagkilala sa kanyang ambag hindi lang sa harap ng camera kundi pati na rin sa edukasyon ng susunod na henerasyon ng broadcasters.
* DJ Chacha (Citation for Radio Broadcaster of the Year - True FM): Ang tinig na nagbibigay-aliw at payo sa radyo ay hindi rin nagpahuli sa paghakot ng parangal.
Ang mga parangal na ito ay nagsisilbing patunay na ang TV5 Network, Inc. at Cignal TV, Inc. ay nananatiling matatag sa pagbibigay ng de-kalidad na entertainment at balita. Mula sa kantawanan sa Sing Galing hanggang sa masusing pagbabalita sa Gud Morning Kapatid, kuhang-kuha ang pulso ng bawat Kapatid mula Batanes hanggang Jolo!
"Maraming salamat sa pagtangkilik sa Original Videoke Kantawanan ng Bansa!" pasasalamat ng team ng Sing Galing sa kanilang official social media accounts.
No comments:
Post a Comment