Isang Kilalang Fandom Support Group ng isang kilalang young talented star, tuluyan Nang bumitaw

Umiinit ngayon ang mga usap-usapan sa digital world ng local entertainment scene matapos opisyal na magdesisyon ang isa sa mga pinakakilalang support group na tuluyan nang ihinto ang kanilang operasyon. 

Sa isang joint statement na ibinahagi sa social media, inihayag ng core fanbase na ito ay opisyal nang mag-a-step down bilang isang grupo, na nagtatapos sa mahabang kabanata ng kanilang dedikasyon, pagdiriwang ng mga milestones, at pagbuo ng komunidad.

​Ayon sa pahayag na inilabas ng mga administrators, ang desisyong ito ay dumaan sa malalim na pag-iisip at hindi basta-bastang ginawa overnight. Ang grupo, na nagsilbing pangunahing haligi sa pag-organisa ng mga malalaking proyekto at pag-uugnay ng mga tagahanga para sa isang multo talented actress pa naman, ay umamin na mabigat man, kinailangan nilang isara ang kabanatang ito. Nagpasalamat din sila nang lubos sa mga sumuporta at sa kanilang mga admin at editor na nagbuhos ng oras, sakripisyo, at pagmamahal sa likod ng mga camera.

​"Ang time, effort, love, and memories we shared will forever hold a special place in our hearts," ayon sa mensahe para sa kanilang mga tapat na tagasunod at miyembro ng koponan. Bagamat nagpapasalamat sila sa bawat alaala, iniwan naman nito ang mga netizen at tagahanga na nagtatanong kung ano ba talaga ang tunay na dahilan sa likod ng biglaang pagkawala ng isa sa mga pinakamaaasahang grupo sa fandom.

​Sa pagtatapos ng kabanatang ito, inaabangan ng marami kung sino ang papalit sa iniwang bakante ng grupo at kung paano ito makakaapekto sa mga susunod pang proyekto ng komunidad.

No comments:

ALL-TIME MOST VIEWED TOPICS

PWEDE RIN MAGBASA DITO