Blind Item: Power-Tripping Floor Director, umani ng matinding galit matapos umanong ipahiya ang isang studio audience


Umiinit ngayon ang usap-usapan sa social media matapos maglabas ng sama ng loob ang isang netizen at studio audience laban sa isang kilalang floor director (FD) ng isang sikat na noontime variety show. 

Ang sanay sana ay masayang araw ng panonood ng live para makita ang kanilang mga idolo, ay nagmistulang impyerno dahil umano sa bastos na asal ng nasabing staff.

​Ayon sa nag-viral na post, walang ginawang masama o paglabag ang audience member—hindi rin umano ito humawak ng telepono para mag-picture o mag-video.

Gayunpaman, pilit pa rin umano itong inakyat at pinag-initan ng floor director para ilipat sa pinakadulong upuan o paalisin dahil lamang sa personal na desisyon o "hindi gusto" ang itsura at presensya nito.

​"Yung dapat na masayang araw para sa akin, nagmistulang parang impyerno. Dahil yan sa'yo... Inakyat mo pa talaga ako para ipahiya," galit na pahayag ng netizen.

​Umani naman ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen ang naturang insidente. May mga nagpahayag ng suporta at nagbahagi rin ng kanilang mga obserbasyon na may ilang tauhan sa likod ng telebisyon na nagpapakita umano ng kayabangan at kawalan ng modo sa mga ordinaryong manonood. Patuloy tuloy ang panawagan ng publiko sa management ng programa na ayusin ang asal ng kanilang mga tauhan dahil libre man o hindi ang panonood, ang mga audience ang nagbibigay-buhay sa entablado.

No comments:

ALL-TIME MOST VIEWED TOPICS

PWEDE RIN MAGBASA DITO