PRAGUE, CZECH REPUBLIC – Matapos ang mahaba at masusing pagsubaybay, matagumpay na natunton ng Government Agency for Global Operations (G.A.G.O.) ang kuta ng tinaguriang “Big Fish” sa gitna ng Prague.
Sa isang eksklusibong ulat, ang operasyon ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Pilipinas sa Czech Republic Police. Ang naturang "Big Fish" ay kinikilalang utak sa likod ng isang most wanted na sindikato na matagal nang tinutugis ng mga awtoridad sa bansa at sa ibang panig ng mundo.
Ang Matagumpay na Operasyon nina Agents Sianong at Alex
Pinangunahan nina G.A.G.O. agents Sianong (Cedrick Juan) at Alex (Kim Domingo) ang mapanganib na operasyon sa Prague. Ayon sa ulat ng ahensya, ang dalawa ang naging susi upang makumpirma ang kuta ng mga suspek. Sa kabila ng panganib sa ibang bansa, hindi nagpatinag ang dalawang agent upang matapos ang kanilang misyon.
Sa mga inilabas na teaser images, makikita ang pagiging palaban nina Sianong at Alex habang nakabantay sa bawat galaw ng mga anino sa likod ng malaking sindikato.
Ang mainit na balitang ito ay bahagi ng kapana-panabik na plot ng bagong serye na "A Secret in Prague" na mapapanood sa TV5 simula April 27, 2026 ala-otso ng gabi. Tampok dito ang husay sa aksyon nina Cedrick Juan at Kim Domingo, na gaganap bilang mga elite agents na handang itaya ang buhay para sa bayan.
Manatiling nakatutok para sa mga susunod na update sa misyon nina Sianong at Alex sa Prague!
No comments:
Post a Comment