![]() |
| Credits: TVJ Productions, Inc. |
Matapos natin mapanood ang mga madamdamin at puno ng aral na Eat Bulaga Lenten Specials 2026, muling ibinabalik naman ng longest running noontime show ang award giving body na kumikilala sa galing ng ating mga Dabarkads pagdating sa pagarte—ang Bulagaan University 2026: Lenten Special Awards!
Ito ang dating EB Dabarkads Choice Awards na ginawa na dati ng Bulaga noong 2014 at 2015.
Kikilalanin ang mga Dabarkads na nagpamalas ng hindi matatawarang galing sa tatlong de-kalidad na drama specials ngayong taon: "The CEO", "May Forever", at "Bahay Aruga". Narito ang opisyal na listahan ng mga kategorya at mga nominado na siguradong magpapatibok ng inyong puso at magpapangiti sa inyong mga labi.
š Opisyal na Listahan ng mga Nominado
Hawak Mo Ang Inis Award
(Kuhang-kuha ang inis ng Dabarkads)
Para sa mga karakter na talagang sumubok sa pasensya ng mga manonood dahil sa kanilang husay sa pagganap bilang kontrabida o mapang-asar na papel.
- Ian Red, The CEO
- Ryan Agoncillo, May Forever
- Miles Ocampo, The CEO
- Paolo Ballesteros, Bahay Aruga
Mapalad Award
(Mga nakatanggap ng mapalad na sampal at suntok)
Sila ang mga "tumatanggap" ng bigat ng emosyon (at kamay) sa mga pinaka-intense na eksena.
- Ian Red, The CEO
- Ryan Agoncillo, May Forever
- Paolo Ballesteros, Bahay Aruga
- Anne Ferrer, The CEO
Best Bitaw Award
(Mga linyang binitawan na tumatak sa puso)
Mula sa sigawan hanggang sa bulungan, narito ang mga linyang hindi makakalimutan ng publiko.
- Miles Ocampo, The CEO
- Paolo Ballesteros, Bahay Aruga (Linyang: "Hindi kita nanay!!!")
- Jose Manalo, May Forever
- Domeng Alviola, Jr., May Forever
Cry Baby Acting Award
(Mga nadala sa eksena at hindi napigilan ang mga luha)
Wagas na iyakan ang handog ng mga nominadong ito na tunay na nagpaiyak sa sambayanan.
- Anne Ferrer, The CEO
- Carren Eistrup, The CEO
- Maine Mendoza, Bahay Aruga
Best Actor/Actress in One Scene
(Konstantin Stanislavski: "There are no small roles, only small actors.")
Kahit maikli ang exposure, lumutang ang galing!
- Hyeonyul Kim (1:81 mins exposure) – May Forever
- Khayzy Bueno (1:20 mins exposure) – May Forever
- Samantha Rascal (1:25 mins exposure) – May Forever
- Bob Jbeili (1:35 mins exposure) – May Forever
- June Ryle Quiambao (29 seconds exposure) – Bahay Aruga
- Lucky Robles (57 seconds exposure) – Bahay Aruga
Parang Normal Activity Award
(Akala niyo lang umaacting, pero hindi! hindi! hindi!)
Para sa mga pagganap na natural na natural, tila hindi umaarte sa harap ng camera.
- Rouelle CariƱo, May Forever
- Domeng Alviola Jr., May Forever
- Armand Mandapat, The CEO
- Darryl Shane Jiandani, The CEO
Bureau of Costume Award
(Mga Best in OOTD! Kering keri ang wardrobe design)
Pagkilala sa mga Dabarkads na nagdala ng kanilang karakter sa pamamagitan ng kanilang pananamit.
- Miles Ocampo, The CEO
- Jose Manalo, May Forever
- Maine Mendoza, Bahay Aruga
- Paolo Ballesteros, Bahay Aruga
Sino ang pambato ninyo, mga Dabarkads?
Para bumoto, pumunta lang sa official Facebook page ng TVJ, i-like or heart react ang nominees na gusto mong manalo. 50% ay mula sa total votes online at 50% naman ay mula sa mga judges na mula sa mga haligi ng industriya ng pelikula at telebisyon. Kung sino sino sila, yan ang isa pang dapat abangan!
Huwag palampasin ang pagpaparangal ngayong Sabado sa Eat Bulaga! 11:25 AM dito lang sa TV5 simulcast sa RPTV Channel 9!

No comments:
Post a Comment